-- Advertisements --
image 137

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot sa 9,069 ang mga COVID-19 cases na natala sa nakalipas na linggo.

mula raw kasi sa pagitan ng November 7 to 13, nasa average ng 1,296 daily infections ang naitatala sa bansa.
ito aniya ay 43 percent na mas mataas kumpara sa mga nakaraang linggo.
Sa mga bagong infections nasa six o 0.07 percent ang mga severe at critical cases na mga pasyente.
Nitong nakalipas na araw umaabot sa bilang na 613 o kata nasa 9.2 percent na mga COVID-19 admissions ay nasa severe at critical condition.

Samantala umaabot naman sa 524 o katumbas sa 21.3 percent ng mga 2,465 na pasyente ang nasa intensive care unit beds para sa COVID-19 patients ang mga okupado.
Ang DOH ay nakapagtala din naman sa nakalipas na linggo ng 113 na mga COVID-related fatalities, mula naman sa nabalam na impormasyon.
Sinasabing ang buwan ng Nobyembre sa ngayon ay nakapagtala na ng 39 na mga nasawi dahil sa deadly virus ng COVID-19.