-- Advertisements --

Aprubado sa karamihan ng mga Pilipino ang pagtugon ng Marcos administration upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay base sa pinakabagong survey ng OCTA research group.

Base sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) fourth quarter 2022 survey, nasa 92 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing aprubado sa kanila ang pagtugon ng national government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang naturang aprroval rating ay mas mataas ng 10 percent sa huling Tugon mg Masa na isinagawa noong March 2022.

Isinagawa naman ang survey noong October 23 hanggang 27 sa 1,200 na mga respondents sa National Capital Region (NCR) Balance Luzon, Visayas at Mindanao.