-- Advertisements --

Matapos ang 22 taon bilang mag-asawa, naghain na ng divorce ang American TV and radio host na si Larry King.

Ayon sa abogado ng legendary broadcaster, nai-file ang divorce documents sa LA County court matapos ang ilang taon nang “on the rocks” na pagsasama.

Nabatid na kapwa nasangkot ang 85-year-old host at 59-year-old wife nito sa isyu ng pagtataksil sa isa’t isa.

Mayroon silang dalawang anak na edad 19 at 20-anyos. (OMG)