-- Advertisements --

Ikinasal sa ikalawang pagkakataon ang 80 anyos na Gobernador ng Batangas na si Gov. Hermilando ‘Dodo’ Mandanas sa abogadang si Angelica Chua na halos 50 taong mas bata sa kaniya nitong araw ng Miyerkules, Mayo 8 sa Minor Basilica of the Immaculate Conception sa Batangas city.

Kabilang sa mga panauhin sa kasal ng Gobernador ang mga kilalang personalidad kabilang na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos, Batangas Vice Governor Mark Leviste, at Pampanga district representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Mandanas ay nagsilbing miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Batangas mula 2004 hanggang 2013. Una ng ikinasal ang dating mambabatas kay Anakalusugan Party-list nominee Regina Reyes na pumanaw noong 2022.

Habang si Chua naman ay lawyer sa taxation, data privacy, at aviation na nagtapos ng kaniyang Juris Doctor degree sa Ateneo Law School.