-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Justice (DoJ) na walong persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Correctional Institute for Women (CIW) na dating positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasa mabuti nang kalagayan.
Ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, ang mga naka-recover na PDLs ay nag-negatibo na rin sa naturang virus.
Ang mga inmate ay ibabalik na sa CIW compound sa Mandaluyong.
Pero mananatili raw ang mga ito sa quarantine facility ng CIW.
Papayagan lamang daw ang mga itong bumalik sa kanilang original stations kapag muli silang mag-negatibo sa covid sa second test.