-- Advertisements --

Nasa walong katao ang nasawi at 15 ang nawawala sa pagsabog ng coal mine sa Henan Province sa China.

Base sa imbestigasyon na biglang sumabog ang gas at uling sa loob ng minahan na pag-aari ng Pingdingshan Tianan Coal Mining.

Mayroong kabuuang 45 katao sa minahan kung saan nailigtas nila ang 22 iba habang nawawala ang 15 iba pa.

Patuloy ang ginagawang rescue operations ng mga otoridad sa nasabing lugar.