
isailalim sa autopsy ang nasa 8 pang unclaimed remains o mga labi ng inmates na nasawi sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa city.
Nagbigay na ng direktiba ang Department of justice sa mga awtoridad ng Bureu of Corrections (BuCor) kaugnay dito.
Ayon sa Corrections Technical Senior Superintendent Ma. Cecilia Villanueva, nasa 42 labi ng inmates mula Bilibid ang kasalukuyang nakalagak sa Eastern Funeral Services sa alabang sa Muntinlupa city.
Sinabi din ng opisyal na si Forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang magsasagawa ng autopsy na inaasahang sisimulan sa susunod na linggo.
Pinoproseso pa sa ngayon ang mga kailangang papeles at sa susunod na linggo ay ipapadala nasa UP Philippine Geeral Hospital para sa otopsiya.
Una ng sinabi ni Villanueva na nasa 39 na labi na ng inmates ang na-autopsy 48 oras matapos masawi.
Base sa resulta, lumalabas na natural death ang ikinamatay ng naturang mga inmate.
Nailibing na rin ang isa sa 70 unclaimed remains na isang japanese national sa sementeryo ng NBP nitong Biyernes.










