-- Advertisements --
download

Nakuha ng Philadelphia 76ers ang ika-apat na panalo ngayong season matapos patumbahin ang Suns, 112-100.

Hindi maganda ang naipakita ng dalawang koponan sa first half matapos ang mga turnovers at mababang shooting percentage na kanilang naitala.

Pagdating ng second half ay hindi nagpatinag ang Sixers at ibinuhos ni ‘the process’ Joel Embid ang kanyang double-double performance kung saan nakapagtala ng 26 points, 11 rebounds.

Pinangunahan na ni Kelly Oubre ang fourth quarter matapos ma flagrant foul si Embid kung saan nagbuhos siya ng 25 points.

Solid din ang ipinakita ni Tyrese Maxey na may 22 points at Tobias Harris na may 18 points.

Habang wala pang Bradley Beal at Devin Booker ang Suns ay pinangunahan naman ng 31 points ni Kevin Durant.

Sa ngayon, 2-4 na ang win-loss record ng Suns at may 4-1 kartada naman ang 76ers at nasa ikalawang puwesto sa eastern conference standing.

(Tropio Anuada)