-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Philadelphia Sixers upang umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na talunin na naman ang Toronto Raptors sa overtime game, 104-101.

Ibinaon lalo ng Sixers sa 3-0 lead sa serye ang Raptors at tatangkaing tapusin ang best-of-seven series sa Game 4 sa darating na Linggo.

Bumida ang MVP finalist na si Joel Embiid nang maipasok ang three pointer na buzzer-beater na eksakto sa pagtatapos ng oras.

Tumipon ang big man ng Philadelphia ng 33 points at 13 rebounds para pangunahan ang pagbangon mula sa 17 point deficit.

Tumulong din naman si James Harden gamit ang 19 points at 10 assists bago ito na-fouled out sa huling sandali ng laro.