-- Advertisements --

Napili ang bansang Vietnamn para maging host ng ika-75th anibersaryo ng Miss World.

Isinagawa ang anunsiyo kasabay ng 2026 Miss World Vietnam pageant nitong Miyerkules, Marso 25.

Ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Southeast Asian country ng pinakamatagal na international beauty contest.

Sa Vietnam na rin naganap ang ilang mga malalaking beauty pageants.

Taong 2010 at 2023 ay doon na gnanap ang Miss Earth habang noong 2008 ay doon ginanap ang Miss Universe.

Habang noong 2024 ay doon din ginanap ang Mister World.

Sa Vietnam din nakabase ang dalawang bagong international pageant ang “Miss Cosmo” at “Miss Charm” competition.

Wala pang beauty queen mula sa Vietnam ang nagwagi ng Miss World kung saan ang pinakamalaking posisyon na nakuha nila ay noong 2015 ng magtapos lamang sa Top 11 ang pambato nila.