-- Advertisements --
Nakatakdang isagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 75-araw road clearing operation.
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na target ng panibagong clearing operation na ito na lalo pang malinis ang mga kalsada sa bansa makaraang mabigo ang ilang lokal na pamahalaan na makapag-comply sa naunang direktiba ng ahensya.
Nauna nang sinabi ng DILG na 97 sa 1,600 local governments ang bigo na sumunod sa 60-day road clearing operations.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Malaya na satisfied pa rin naman ang ahensya sa performance ng mga local government units (LGUs).










