Hindi makapaniwala ang American fashion designer na si Vera Wang na papatok ang kanyang pambihirang larawan kung saan siya ay nakasuot ng sports bra.
Marami sa kanyang followers ang napa-wow dahil tila hindi raw tumatanda ang aura nito gayong 71-years-old na.
Ayon kay Wang, ang kanyang crystal clip sa buhok lang sana ang ibabalandra at walang paki sa anumang outfit lalo’t nasanay siya bilang taga-disenyo ng mga celebritiy.
“So we really had to minimize whatever I was wearing and to keep the focus on my hair and those crystal clips. And the fact it became about my Palm Angels workout top was so crazy,” ani Wang.
Paliwanag naman nito sa pagkakaroon pa rin niya ng muscles kahit 70s na, ay dahil isa aniya siyang atleta noong kabataan niya
Kabilang dito ang pagiging competitive figure skater sa United States at dancer sa American Ballet.
“I think when you spend the first 16 years of your life that physically engaged, there is such a thing that it sort of stays with you. There’s a muscle memory that goes with that.” (OMG)