-- Advertisements --
Inanunsiyo ng state-run na Pag-IBIG Fund na balak nitong pondohan ang nasa 708,000 housing units sa loob ng anim na taon ng panunungkulan ni Pangulonng Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang naturang bilang ay 33% na mas mataas mula sa 531,000 na bilang na pinondohan sa nakaraang administrasyon.
Tiniyak naman ng Pag-IBIG Fund na pananatilihin pa rin nila ang mas mababang interest rates sa mga miyembro.
Sinasabing ang lowest interest ng ahensiya ay nasa 3%.
Kaugnay nito magpapaluwal ang Pag-IBIG Fund ng P110 billion sa housing loans para sa 100,000 na mga members.
Sa ngayon, ang ahensiya ay may 14.7 million active members.