-- Advertisements --

Kinumpirma ni Communications Sec. Martin Andanar na pitong tao kung saan kabilang sa technical support staff sa Malacañang ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Sec. Andanar, batay ito sa unofficial result ng PCR swab test na isinagawa sa lahat ng mga may partisipasyon sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Ayon naman kay RTVM director Demic Pabalan, wala naman sa kanilang mga tauhan ang pitong ito na nagpositibo sa COVID-19.

Kagabi umano kinuha ang swab test sa kanilang lahat at sa iba pang mga may paritisipasyon sa SONA ni Pangulong Duterte at kaninang umaga lumabas at ipinaalam sa kanila ang resulta.

Pero inihayag nu Pabalan na mayroon silang isang personnel sa RTVM na nakatalaga sana sa Batasang Pambansa ang nagpositibo sa rapid test.

Pinauwi na umano ito para makapag-isolate at bukas kukuhanan ng PCR swab test.