-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nanggagalaiti sa galit at hustisya ang isinisigaw ng magulang ng pitong taong gulang na batang babaeng tinangka umanong gahasain ng apat na kalarong menor de edad sa Singapore, Barangay Balulang, Cagayan de Oro City.

Kasunod ito ng pagkakaligtas ni Karen Awiten sa biktimang si alyas Ali, hindi tunay na pangalan habang pinapatungan na umano ng isang walong taong gulang na batang si alyas CB loob ng isang bahay sa nabanggit na lugar.

Binanggit ng hindi pinangalanang ina sa Bombo Radyo na labis na na-trauma ang kanyang anak kaya dumulog sila sa pulisya upang kumuha ng mga dokumento na gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa apat na mga suspek.

Subalit sa hiwalay na panaym ng Bombo Radyo, inihayag ni Carmen Police Station commander Maj Jelesis Teves na hindi nila makumpirma na mayroong nangyari na penetration sa biktima.

Ito ay dahil ayon sa salaysay ng testigo na bagamat nakapatong ang suspek ay wala naman indikasyon na nakaranas ng pananakit ng ari ang bitktima.

Bagamat pinayuhan ni Teves ang pamilya ng biktima na kumuha pa rin ng serbisyong medikal para alamin ang tunay na nangyari sa mga bata.

Magugunitang maliban kay CB na aktuhan rin na nasa loob ng kuwarto ang tatlo pang minors na nasa edad ng 11-anyos at dalawang walong taong gulang bago nailigtas ang biktima.