-- Advertisements --
Halos 10 katao ang sugatan ang pitong katao sa pagsabog sa isang planta ng bakal sa San Simon, Pampanga, kagabi.
Ayon sa San Simon Municipal Police Office, nangyari ang pagsabog dakong alas-11:30 kagabi.
Sinabi ni Fire Officer 3 Araid Macapayag, arson investigator ng San Simon Bureau of Fire Protection, nakatanggap sila ng report hinggil sa naturang pagsabog at patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi at ang posibleng motibo rito.
Isa sa mga sugatan sa insidente ay ang Chinese national na tumatayong consultant ng SKK Steel Corporation.
Isinugod silang mga biktima sa Pampanga Premier Medical Center at Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.