-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang missile strike ng Russia sa Kharkiv sa north-eastern Ukraine.

Sinabi ni Kharkiv regional head Oleg Sinegubov na mayroon pang dalawang katao ang naiulat na nawawala dahil sa pag-atake.

Nasa 15 beses ng inatake ng Russia ang tinaguirang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Ukraine.

Dahil sa insidente ay pinayuhan ito ang mga residente na manatili ang mga ito sa shelters.

Inamin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang pag-atake sa Kharkiv ay ipinapakita ng Russia ang pagsamantala nila sa kakulangan ng puwersa na ng Ukraine.