-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kaagad dinala sa pagamutan ang mga biktima sa insidente matapos bumangga ang isang SUV sa isang 10 wheeler truck.

Ayon kay Barangay Tinagacan Kapitan Jeffrey Salaño na pito ang patay sa nasabing disgrasya matapos nirespondihan ang lugar. Alas tres pasado ng hapon dumating ang mga nagkumahog na nga ambulance na naghakot sa mga biktima.

Sa impormasyon na nakuha mula umano sa team building sa Isla Bonita, Talicod Island Garden City of Samal ang 14 na sakay ng SUV at pauwi na ng Gensan subalit ng dumating na sa Purok 4 Batomelong nitong lungsod pumutok umano ang isa sa gulong na nagresulta sa disgrasya.

Tinatayang malakas ang takbo ng nasabing SUV kayat pumunta sa kabilang lane at bumangga sa 10 wheeler truck na may plate number CSE 1628.

Dahil sa lakas ng pagbangga nawasak ang SUV at nagkalat sa daan ang mga biktima. Dagdag ni Salañoa na buhay ang driver ng van subalit putol ang mga binti nito na nasa sa pagamutan na.

Dahil sa nasabing disgrasya iilang oras din na hinde madaanan ang national highway dahil sa dami ng mga sasakyan bago nahawi ng mga Traffic enforcer .

@