-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa pitong mga miyembro ng New People’s Army (NPA) mula sa bayan ng Tantangan, South Cotabato ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Ayon sa Tantangan-PNP, dala ng mga naturang rebelde sa kanilang pagsuko ang mga high powered na armas na kinabibilangan isang unit ng homemade 12-gauge shotgun, isang rifle grenade, kalibre .45 na baril at mga subersibong dokumento.

Nabatid na pawang mga kasapi ng Guerilla Front 73 at 72 ang mga sumukong rebelde.

Agad naman na nakatanggap ng inisyal na tulong mula sa LGU-Tantangan at Philippine National Police ang naturang mga rebel-returnees.

Sa ngayon, nanatili ang mga ito sa pangagalaga ng mga otoridad para sa debriefing at kinauukulang disposisyon.