-- Advertisements --
OFW

Hindi bababa sa pitong porsyento ng mga sambahayang Pilipino ang mayroong overseas Filipino worker (OFW) na tumutulong sa pagtaguyod ng pamilya, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang poll na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022 ay nagpakita na 75% ng mga sambahayan ang madalas na tumatanggap ng pera mula sa OFW.

Ayon sa naturang survey, 17% o halos dalawa sa 10 adult Filipino ang naghahangad na manirahan sa ibang bansa.

Pitong porsiyentong adult Filipino rin ang kasalukuyang naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ayon pa sa survey, nanguna ang Canada na may 16% bilang ang pinaka binanggit na bansa “kung saan naghahangad na magtrabaho ang mga Pinoy.

Sinundan ito ng Saudi Arabia na may 12%, Kuwait na may 9%, United Arab Emirates na 9%, Japan na 7%, Qatar na may 6%, at United States of America na may 6%.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face na pamamaraan sa 1,200 katao na may edad na 18 pataas sa buong bansa.