-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang pagkahulog ng crane sa ginagawang factory sa bansang Thailand.

Naganap ang insidente sa Rayong Province dakong alas-4 ng hapon.

Lahat ng mga biktimang nasawi ay pawang mga trabahador ng ginagawang factory.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.