-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang pitong barangays sa bayan ng Norala, South Cotabato matapos na labis na naapektuhan ng malawakang baha.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Aiza Lim sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Lim, lubos na naapektuhan ng baha ang sektor ng agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa nabanggit na mga barangay.

Sa ngayon, nagsagawa na ng inisyal na pagpupulong ang mga opisyal ng mga barangay kasama na ang LGU-Norala para malaman ang kabuuang pinsala ng baha sa kanilang bayan simula pa noong nakaraang linggo.

Pinagpaplanuhan narin sa ngayon ng lokal na gobyerno ng Norala ang pagsasailalim sa state of calamity ng kanilang bayan.

Maaalala na isa ang bayan ng Norala sa mga bayan sa South Cotabato at probinsya ng Sultan kudarat na hinagupit ng malakas na ulan na dala ni bagyong Dante kung saan nag-iwan ng malaking danyos sa agrikultura sa mga bayan at kumitil rin sa buhay ng mag-amang Moreno.