CAUAYAN CITY- Nagbabala ang Fertilizer and pesticide Authority region 2 kaugnay sa mga ibinebentang pekeng abono at pesticide sa merkado.
Sa exklusibing panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Manager Leonard Bangad ng Fertilizer and pesticide Authority region 2 na kumikilos na ang kanyang mga kawani matapos niyang ipag-utos na magsagawa ng sampling sa mga ibinebentang fertilizers at pesticide sa mercado.
Nagsimula anya ang pagbebenta ng mga pekeng abono at pesticide noong magtaas ang presyo at naging kakaunti na ang supply.
Mayroon anyang gumagawa ng pamemeke para lang may maibentang fertilizers at pesticide sa mercado.
Mayroon anya silang natukoy na pitung brand na gumagawa ng pekeng mga abono at iniutos niya sa mga kawani ng Fertilizer and pesticide Authority region 2 na itigil ang pagbebenta ng mga dealers sa merkado.
Kinakailangan muna nilang alamin ang taas ng grade o quality ng fertilizer.
Mayroon din anyang branded fertilizers na hinaluan ng ibang produkto sa loob na paglabag sa Presidential Decree 1144
Kinakailangan anya nilang matukoy ang mga ibinebentang pekeng abono at fertilizers dahil malaking epekto ito sa mga magsasaka.
Matutukoy anya kung peke ang abono sa pamamagitan ng chemical quality ng product at physical o itsura .
Halimbawa na anya ang abonong tripple 14 na durog-durog at magkakaiba ang kulay na palatandaan na isang peke.
Ang sakong na pinaglagyan ng pekeng abono ay malabo ang print habang ang tunay na abono ay may malinaw o matingkad ang nakasulat sa sako.
Humingi na rin sila ng tulong sa DA upang mapaalalahanan ang mga magsasaka sa mga pekeng abono at pesticide na ibinebenta sa markado.