-- Advertisements --

Ibinunyag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na gaganapin ang home games ng Gilas Pilipinas para sa window sixth ng 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers sa isang stadium sa Bocaue, Bulacan sa February ng susunod na taon.

Ginawa ni Barrios ang anunsyo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

Ayon na rin kay Barrios isa ito malaking pagkakataon para sa mga local organizing committee na makapaghanda bago ang nasabing event.

Nakatakda rin na maging venue ang Philippine Arena, Araneta Coliseum at Mall of Asia para sa final phase ng World cup.

Bukod dito, magiging venue din para sa group stages ang Okinawa Arena sa Japan at Indonesia Arena sa Jakarta. (with reports from Bombo Victor Llantino)