Binuksan na sa araw na ito ang Marine Exercise 2025 na ginanap sa headquarters ng 1st Marine Brigade sa Maguindanao del Norte.
Nanguna sa naturang event si Philippine Amry 6th Infantry “Kampilan” Division Commander, MGen. Donald Gumiran kasama si MAREX 2025 Director BGen. Romulo Quemado II.
Lalahok dito ang mga tauhan ng 1st Marine Brigade kasama ang 200 miyembro ng US Marines sa tulong ng Joint Task Force Central.
Kabilang sa mga nakapaloob sa exercises ay ang Tactical Communication, Light Armor Infantry Operation Fires Observer/Controller, Tactical Logistics at iba pa.
Tampok rin dito ang Combat Marksmanship Program, Amphibious Assault, Mechanized Infnatry Operation at maging ang Joint Litoral live-fire exercise.
Ito ay tatagal sa Abril 11 na siyang magsisilbing paghahanda sa nalalapit na BALIKATAN exercises ngayong taon.