-- Advertisements --
DFA1.2

Nasa 65 seafarers mula Brazil at Germany ang dumating ngayong hapon lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy ay ang mga ni-repatriate matapos maipit sa ibang bansa dahil pa rin sa kanselasyon ng mga flights bunsod ng kumakalat na Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kabilang sa mga dumating ang 24 Pinoy crew members ng Scenic Eclipse mula sa bansang Brazil at 41 mula naman sa MS Amadea na nasa Germany.

Dahil pa rin sa effort ng DFA ay aabot na sa 1/3 ng lahat ng mga seafarers sa buong mundo ang nakauwi na sa Pilipinas.

Nangako naman ang DFA na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga partner agencies kahit ngayong Holy Week para mapauwi