-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagnegatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang 65-anyos na lalaking nasawi sa probinsya ng Cotabato.

Ito ang ipinalabas ng DOH-12 Center For Health Development Soccksargen region.

Una nang namatay ang pasyente noong April 22 dahil sa mayroon itong comorbidity (chronic kidney disease at may ubo.

Isang buwan na ring nasa kanyang bahay si Lolo bago ito nailipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at doon na binawian ng buhay.

Namatay ang pasyente dahil sa mga komplikasyon sa iniinda nitong mga sakit na myocardial infarction (heart attack), community-acquired pneumonia at Stage V chronic kidney disease.

Hinihintay na lamang ang confirmatory test result ng pasyente.

Habang sinagot na rin ng lokal na pamahalaan sa President Roxas, North Cotabato ang pag-cremate nito.