-- Advertisements --

MANILA – Naturukan na ng coronavirus vaccine ang aktres na si Coney Reyes.

Ito ang inamin ng movie/TV star sa kanyang Instragram story kung saan makikita siyang may titbit na signage na “I got vaccinated!”

Kinumpirma din ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtanggap ng bakuna.

Sa isang Twitter post, ibinida ng alkalde ang pagsunod sa proseso ng kanyang ina na ika-6,318 na senior citizen na nabakunahan sa lungsod.

“This AM, my mom was the 6,318th Pasigueño senior to get vaccinated!,” ani Sotto.

Kung maaalala, itinanggi ng local official na may special treatment sa COVID-19 vaccination ng lungsod, kasabay ng pag-giit na ang mga nasa priority list muna ang tinuturukan ng bakuna.

“Strictly “first-to-update-first-served” for people of the same priority group. Pls wait for the text; don’t walk-in.”

Pinatotohanan naman ito ng kanyang kapatid at Ateneo basketball coach na si LA Mumar. Inamin kasi nito na kahit kamag-anak niya ang alkalde ay hindi pa siya natuturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Mayor Vico, tinatayang higit 24,000 residente ng Pasig City na ang nakatanggap ng bakuna laban sa coronavirus. Kabilang na rito ang higit 6,000 senior citizens.

“Thank you for your patience. We’re introducing updates to the Pasig Health Monitor so that we can confirm receipt of your updates in a more timely manner, but rest assured that as long as you’ve updated your Profile, you’re on the list.” (Bombo Christian Yosores)