-- Advertisements --
Umaasa ang National Task Force against COVID-19 na magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 sa loob ng kasalukuyang taong.
Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr. na kinakausap na nila ang mga embahada ng iba’t ibang bansa para hilingin kung pwedeng isa tayo sa maging prayoridad nilang bigyan sakaling ma-develop na ang bakuna.
Ayon kay Sec. Galvez, may guidance na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa sandaling magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19, kailangang makakuha tayo ng supply nito para sa 60 milyong mga Pilipinong target na mabakunahan.
May nauna nang pahayag si Pangulong Duterte na nagkausap na sila ni Chinese President Xi Jinping kaugnay dito.















