-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Opisyal nang ipinagkalooban ng full scholarship ng Ateneo de Davao University (ADDU) hanggang kolehiyo ang lahat na anim na mga nakababatang kapatid ng yumaong student-athlete na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia.

Inanunsyo ito ni ADDU President Fr. Karel San Juan sa memorial mass na ginanap sa Christ the King Chapel sa ADDU Senior High School Bangkal Campus.

Sakop ng scholarship ang buong educational pipeline mula kindergarten o elementarya hanggang kolehiyo.

Nilinaw ni Fr. San Juan na ang grant ay katuparan ng pangunahing dahilan kung bakit umalis si Bobet sa Davao City at iwan ang kanyang pamilya upang mag-aral at maglaro ng basketball sa Maynila — ang mabigyan ng mas maliwanag na kinabukasan at tamang edukasyon ang kanyang mga kapatid.