-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang drone strikes ang Russia sa capital ng Ukraine na Kyiv.

Tinamaan dito ang ilang gusali na nagresulta sa pagkasawi ng anim na katao.

Itinakbo naman ang ilang mga sugatan residente ng Lisovyi area na tinarget ng drone.

Magugunitang makailang ulit na gumamit ng drone ang Russia kung saan ilan sa mga dito ay napapabagsak din ng sundalo ng Ukraine.