-- Advertisements --
Kinumpirma ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Rustico Jimenez na may anim na doktor ang nananatili sa kritikal na kondisyon dahil sa COVID-19.
Una rito, 17 mangagamot na ang kumpirmadong nasawi makaraang mahawaan ng mismong mga pasyenteng kanilang ginagamot.
Ayon kay Jimenez, ilan sa mga ito ay na-infect mula sa mga pasyenteng hindi nagdeklara ng tama ukol sa kanilang kondisyon, habang may ibang dulot ng kakulangan ng personal protective equipments (PPE).
Kaya apela ng opisyal, ibuhos pa sana ang suporta sa mga doktor at medical staff para mas maging epektibo ang paglaban sa deadly virus.