ILOILO CITY – Nakaligtas sa kamatayan ang anim na taong gulang na bata matapos tumagos ang bala sa kanyang kuwarto sa Sitio Dawis Barangay Poblacion, Ajuy, Iloilo.
Ang biktina ay kinilala sa alyas na Toto.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Marilyn Arroyo, lola ni Toto, sinabi nito na laking gulat nila nang makita ang ligaw na bala na mula sa 45 caliber pistol sa higaan ng kanyang apo sa araw mismo ng bagong taon.
Nang mga panahong iyon, bumaba ang kanyang apo kaya nakaligtas ito sa kapahamakan.
Ayon namam kay Police Staff Sgt. Ryan Alfin, imbestigador ng Ajuy Municipal Police Station, sinabi nito na nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang may ari ng armas.
Kanila aniyang inuusia ang lahat ng mga nagmamay ari ng baril sa nasabing bayan upang malaman kung nagpaputok ang mga ito ng armas.
Napag-alaman na nagbabala ang Philippine National Police na agad na sisibakin sa puwesto ang mga chief of police na hindi makakaresolba ng stray bullet incident sa kanilang lugar.