Patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na nasa abroad ang nahawa sa coronavirus.
Kinumpirma ngayon ng DFA na panibagong 57 ang naitala na nagmula sa ilang bansa sa Asya, Pacific at Middle East.
Hindi naman diretsahang tinukoy ng DFA kung anong mga bansa ito.
Sa kabuuan nasa 9,873 na ang confirmed cases ng mga Pilipinong nagkasakit sa ibang mga bansa dahil sa deadly virus.
Sa kabila nito merong 19 na bagong nakarekober at isa naman ang nasawi.
“As the DFA personnel in our Foreign Service Posts continue to report on the status of Filipinos abroad, the DFA likewise assures the public of its tireless efforts in attending to the needs of our people and facilitating requests for repatriation, whenever possible,” bahagi pa ng statement ng DFA.










