-- Advertisements --

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-55 taong kaarawan, ibinalita ni Vice Pres. Leni Robredo na umabot na rin sa P55.8-milyon ang nalikom na donasyon ng kanyang tanggapan para sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19 crisis.

“Ang patuloy na suporta sa frontliners, posible dahil sa bayanihan! Taos-puso po ang aming pasasalamat sa pagpapaabot ninyo ng tulong sa ating mga frontliners,” ani Robredo.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni VP Leni ang breakdown ng cash donations na nalikom ng Office of the Vice President at private partner na Kaya Natin mula sa iba’t-ibang sources.

Nakasaad din kung anong tulong na ang kanilang naipamahagi, at kung sino ang nakinabang mula sa mga ito.

Mula nang isailalim sa malawakang quarantine ang buong Luzon naglunsad ang OVP ng libreng shuttle service at dormitoryo sa mga healthcare workers

Namahagi rin sila ng mga personal protective equipments at care packages sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon nakikipag-partner naman ang tanggapan ni VP Leni sa mga local designers at doktor para sa manufacturing ng protective suits.