-- Advertisements --

Umaabot sa 5,200 na mga residente ng Midsayap Cotabato ang nabakunahan kontra COVID-19 sa nagpapatuloy na vaccine inoculation sa loob lamang ng isang araw.

Itoy kinabibilangan ng mga nasa A1 to A5 category at Rest of Adult Population.

Nasa 3,700 ang nakatanggap ng unang dose ng Sinovac Vaccine habang nasa 1,500 naman ang nakakumpleto na ng bakuna o yaong mga nakatanggap ng 2nd dose.

Sinovac at Astrazeneca vaccine ang itinurok sa mga tumanggap ng ikalawang dose ng bakuna kontra COVID.

Ikinatuwa naman ng LGU-Midsayap ang patuloy na pagtangkilik ng mamamayan sa libreng bakuna na ipinamamahagi sa bayan.

Layunin nitong maabot ang herd immunity upang maging protektado ang bawat isa laban sa pandemiya.

Para sa mga may katanungan ukol rito, maaari lamang magtext o tumawag sa Resbakuna o COVID Vaccination Hotline 0963-056-4744.