-- Advertisements --
Mariing ipinanukala ng Malacañang na huwag ng pagbayarin ng tiket ang mga kabataan o estudyanteng gustong manood ng mga laro sa Southeast Asian (SEA) Games.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung hindi naman kakayaning ilibre, kahit 50% discount lang ang ibigay sa mga kabataan.
Pero para sa mga may trabaho at mayroon namang magandang suweldo, kailangang bumili sila ng tiket.
Maituturing na aniyang “happy compromise” ito para sa mga manonood at organizers.
Naniniwala si Sec. Panelo na baka kailangan ng pera ng organizers para masustentuhan ang maintenance ng ipinagawang world class facilities.