-- Advertisements --

Nasa 50 mga kapitan ng barangay ang papatawan ng preventive suspension sa loob ng linggong ito ng Office of the Ombudsman.

Pahayag ito ni National Task Force against COVID-19 vice chairman at DILG Sec. Eduardo Año matapos siyang makipag-ugnayan kay Ombudsman Samuel Martires para ihain o isumite ang mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng barangay.

Ayon kay Sec. Año, ang mga ito ay nagkaroong ng pagkakasangkot sa malversation of funds, korupsyon, estafa at iba pang graft-related anomalies sa pamamahagi ng unang tranche ng social amelioration fund (SAP).

Inihayag ni Sec. Año na ang pagpapataw ng preventive suspension ay kinakailangan habang iniimbestigahan ng Ombudsman ang aspetong administratibo laban sa mga sangkot na kapitan ng barangay.

Kabilang sa mga lugar sa bansa na may mga opisyal ng barangay na masususpinde ay sa Metro Manila, 33 kapitan ng barangay, 13 sa region 1; 10 sa region 2; tatlo sa region 3; at 11 sa region 4-A.