GENERAL SANTOS CITY – Babayaran ng nag-iisang driver ang danyos sa limang sasakyan na nagkarambola sa national highway ng Lagao sa Lungsod ng Heneral Santos.
Ito ang napag-usapan sa tanggapan ng Traffic Management Office matapos nagbanggaan ang Mitsubishi L-300, Mitsubishi Adventure, Ford Ranger Pick-up, Toyota Hilux, at Nissan Pick-up.
Lumabas sa imbestigasyon na biglang nagpreno ang naunang L-300 kaya sumalpok ang kasunod na Adventure, sa likod nito ay tumama naman ang Ford Ranger na sinundan ng dalawa pang pick-up truck.
Lumabas sa settlement na aakuini ng driver ng Nissan pick-up ang lahat ng kailangang pagpapaayos.
Wala namang naospital sa limang driver na pawang residente nitong lungsod, habang nagkaroon ng maliliit na galos ang mga sakay.
Nabatid na nangyari ang insidente sa kasagsagan sa malakas na pag-ualn sa lungsod.