-- Advertisements --
Patay ang limang mga miyembro ng rebeldeng grupo matapos ang sunud-sunod na enkwentro sa pagitan ng kanilang grupo at ng mga tropa ng militar sa Purok 8, Barangay Andap bayan ng New Bataan, probinsya ng Davao de Oro.
Kinilala ni Capt. Mark Anthony Tito, spokesperson ng 10th ID Philippine army ang mga namatay na sina Jojarain Alce Nguho II alias Rain, Chad Booc alias Chad, alias Daday at dalawang hindi pa nakilala.
Na-recover rin ng militar ang isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol, isang hand grenade, anti-personnel mine, iba’t-ibang food supplies at mga personal na gamit ng mga rebelde.