-- Advertisements --

Umabot na sa limang katao ang nasawi sa nararanasang wildfires sa Northern California.

Inilikas na rin ang mahigit 60,000 katao dahil sa halos 170,000 ektarya ng lupain ang nasusunog ng ilang araw na.

Isa sa naging sanhi ng sunog ay ang pagtama ng mahigit 10,800 na pagkidlat at ang nararanasang heat wave.

Tinawag naman ni California Governor Gavin Newsom na pangyayari bilang isang malaking hamon na dulot ng global warming.