-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagpapagaling pa ang apat na nakaligtas mula sa salpukan ng truck at van sa Gumaca, Quezon nitong umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Gumaca PNP investigator patrolman Alejandro Veluz, na kritikal ang lagay ng apat na biktima.

Batay sa ulat, galing Maynila ang sakay ng Tamaraw FX at papunta ng Bicol region.

Pero pagdating umano sa kalsadang sakop ng Brgy. Bamnan ay sumalpol ito sa kasalubong na truck.

Patay ang limang iba pa na sakay ng van.

Sa ngayon, hawak ng pulisya ang kustodiya ng truck driver para sa posibleng haharapin na parusa.