-- Advertisements --
Nasa limang katao ang nasawi matapos ang naganap na sunog sa isang hostel sa New Zealand.
Agad na inilkas ang mahigit na 50 katao na nasa apat na palapag na Loafers’ Lodges hostels sa Wellington.
Ayon kay Prime Minister Christ Hopkins na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga masasawi dahil nagtamo ng malubhang sugat ang ilang itinakbo sa pagamutan.
Patuloy din na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.