
Nasagip ng Philippine Coast Guard ang limang Japanese crew members matapos tumagilid ang kanilang sinasakyang fishing vessel na MV Catriona sa bahagi ng Oriental Mindoro.
Sa ulat ng PCG, bandang alas-6:30 kaninag umaga naturang insidente sa katubigang sakop ng Navotas, Calapan, Oriental Mindoro.
Kaugnay nito ay agad na nakipag-ugnayan ang PCG Command Center sa Coast Guard District Southern Tagalog at PCG Station Oriental Mindoro para sa agarang pagsasagawa ng search and rescue operation.
Kabilang sa mga nasagib ng PCG ay sina:
– Itsuo Tamura – 86 yrs old
– Hiromu Nishida – 83 yrs old
– Hamagato Tsukasa – 80 yrs old
– Osamu Kawakami – 74 yrs old
– Hata Isamu – 74 yrs old
Kwento ng mga nasagip na Japanese crew members, patungo sa Davao mula sa Japan nang mangayari ang naturang insidente.
Agad namang isinailalim ang mga ito sa medical check up upang tiyaking in good physical condition ang mga ito.










