LAOAG CITY – Kinumpirma ni P/Col. Joemar Labiano, Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office na may limang gas station dito sa Ilocos Norte ang nagsara dahil sa krisis sa langis dulot ng patuloy na giyera sa Middle East.
Ayon sa kanya, sa kabuuang 189 na gasolinahan sa buong lalawigan, lima na ang ganap na nagsara.
Ipinaliwanag niya na ang pangunahing dahilan kung bakit sila nagsara ay dahil nauubusan sila ng suplay ng langis.
Gayunpaman, wala rin aniya silang nakikitang banta na maubusan ang suplay ng gasolina sa iba’t ibang istasyon ng gasolina sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kanilang mga presyo.
Samantala, sinabi ni P/Col. Labiano na kailangan din ang deployment ng mga pulis sa iba’t ibang gasolinahan para matiyak na walang magsasamantala sa presyo ng produktong petrolyo.
















