CENTRAL MINDANAO-Limang mga drug suspects ang nasawi sa inilunsad na anti- drug operation ng mga otoridad sa probinsya ng Sultan Kudarat
Nakilala ang mga nasawi na sina Adhen Salbo at apat niyang mga kasamahan habang nakatakas ang kapatid ni Adhen na si Loy Salbo,mga residente ng Sitio Mapayag, Barangay Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Christopher Bermudez na naglunsad sila ng Search warrant implementation laban sa magkapatid na sangkot sa illegal drug trade at pag-iingat ng mga matataas na uri ng armas.
Papasok pa lamang ang pinagsanib na pwersa ng Lambayong PNP, Sultan Kudarat Provincial Police, Regional Intel Division, PNP-SAF at army sa kuta ng mga suspek ay agad silang pinaputukan.
Gumanti ng putok ang raiding team sa mga armadong kalalakihan resulta ng pagkasawi ng lima katao.
Narekober ng mga pulis at sundalo ang 340,000 pesos na halaga ng shabu at mga matatataas na kalibre ng baril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng mga pulis at sundalo sa nakatakas na suspek










