-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units sa bansa na maging non-partisan sa BSKE 2023.
Paalala ni DILG Assistant Director Izza Marie Lurio, dapat iwasan ng mga LGU officials na pumanig sa kahit sinong kandidato sa kanilang mga nasasakupan.
Babala nito, magbabantay ang DILG sa mga LGU upang matiyak na hindi magagamit sa pangangampanya ang mga social services ng mga ito.
Maging ang mga mismong opisyal ng Brgy aniya ay hindi rin dapat gamitin ang mga pasilidad at iba pang mga serbisyo ng mga ito para lamang makahikayat ng mas maraming mga botante.
Magbabantay aniya ang DILG sa lahat ng mga lokal na pamahalaan, katuwang ang PNP, para sa anumang isyu ng irigularidad.