-- Advertisements --

Timbog ang limang Chinese ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos ang ginawang pagsalakay sa isang warehouse na pagawaan ng mga pekeng pakete ng sigarilyo sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga Chinese na sina Kevin Tan, Alex Chan, James Sy, Tin Fu, at isang alyas Tonyo, kasama ang isang Pinoy na si. Michael Jamora.

Sa ulat ng BoC, matapos umano silang makatanggap ng impormasyon sa iligal na pagawaan ng sigarilyo sa Michael Printing Services, sa Maysan Road Cor. Cantullon St., Valenzuela City ay agad silang nagsagawa.

Dala ang letter of authority, sinalakay ng BoC kasama ang mga tauhan ng PNP, mga local officials ng lungsod at mga kinatawan ng mga lehitimong kumpanya ng sigarilyo, ang nasabing warehouse.

Dito nakumpiska ang mga imported printing machines at cutting machines.

Nakumpirma rin sa pag-inspeksyon ng BoC na peke ang mga tinatawag na “hinge lid blanks” o mga label ng mga karton ng sigarilyo na ginamit sa pagtatak sa mga brand na Fortune, Mark, Hope, More at Jackpot.

Kaugnay nito, naisampa na ng BoC ang kasong paglabag sa RA 8293 o ang kilalang Intellectul Property Fode of the Philippines laban sa mga naarestong suspek.