-- Advertisements --

Natagpuang magkakatabi ang bangkay ng limang lalaki sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Pawang ay tama ng bala ng baril at saksak ang nasabing mga bangkay.

Base sa imbestigasyon, nakita umano sa CCTV ang pagdating ng mga biktima sa lugar na lulan ng isang tricycle at motorsiklo.

Nakatakdang magtabas sana ng damo ang mga biktima nitong Lunes.

-- Advertisement --

Kinilala ang mga biktima na sina Angelo del Castillo, magtitiyuhin na sina Antonio , Carlito at Rogelio Silvano at Panfilo Bunyaga.

Nakarinig umano ang katiwala ng lupa na mga putok ng baril.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na maaring paghihiganti at awayan sa lupa.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.