-- Advertisements --
lindol

Sa gitna ng paghahanda ng Batanes sa maaaring epekto ng Supertyphoon Mawar, muli itong niyanig ng 5.6 Magnitude na lindol kagabi.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng nasabing lindol ay naitala sa 33km hilagang silangan ng Itbayat.

ito ay may lalim na 15kms at techtonic ang pinagmulan.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Itbayat, habang intensity II sa bayan ng Basco at Mahatao.

-- Advertisement --

Sa ngayon, wala namang pinsalang naiulat mula sa nasabing pagyanig ngunit inaasahan ang maraming aftershocks kasunod nito.